Home
Help
Search
Login
Register
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
>
Outside the Campus
>
Arts and Literature
>
Philippines Trivia- Ang Trivia ang mga Pinoy
Username
Password
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
>
Outside the Campus
>
Arts and Literature
>
Philippines Trivia- Ang Trivia ang mga Pinoy
Pages: [
1
]
« previous
next »
Print
Author
Topic: Philippines Trivia- Ang Trivia ang mga Pinoy (Read 1489 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
PLMayers
Administrator
Full Member
Posts: 143
Philippines Trivia- Ang Trivia ang mga Pinoy
«
on:
July 28, 2009, 08:28:24 AM »
Pugad na gawa sa laway
Alam nyo ba kung anong ibon ang makikita sa mga kuweba sa Palawan na ang pangalan ay hango sa galaw nito na tila pagsasayaw nito habang lumilipad?
Ang ibon na “balinsasayaw" na kadalasang nakikita sa mga kuweba sa El Nido, Palawan ay kilala dahil sa pambihira nitong pugad na isinasama sa sopas na kung tawagin ay “El Nido" soup.
Hindi katulad ng pugad ng ibang ibon na gawa sa tuyong dayami o maliliit na sanga, ang pugad ng balinsasayaw ay gawa sa mismong laway ng ibon. Sinasabing mayaman ang pugad ng balinsasayaw sa mga protina katulad ng calcium, iron, potassium, at magnesium.
Dahil sa paniwala na may naidudulot na kabutihan sa kalusugan ang sopas ng El Nido, maraming mangangalakal ang bumibili ng kanilang pugad sa mataas na halaga. Ngunit dahil na rin sa malaking demand sa pugad, may mga insidente na kinukuha na kaagad ang pugad kahit hindi pa lubos na malaki ang mga inakay.
«
Last Edit: July 28, 2009, 08:30:23 AM by PLMayers
»
Logged
PLMayers
Administrator
Full Member
Posts: 143
Re: Philippines Trivia- Ang Trivia ang mga Pinoy
«
Reply #1 on:
July 28, 2009, 08:31:00 AM »
Propesyon na nais ni Cory Aquino
Kahit nagmula sa angkan ng mga pulitiko, alam nyo ba na hindi hinangad ni dating Pangulong Corazon “Cory" Aquino na pumasok sa pulitika. Sa halip, isang propesyon ang nais niyang pasukin pero hindi niya nakamit dahil sa maagang pag-aasawa.
Sinasabing 17-anyos lamang si Cory nang ligawan siya ng kaedad na si dating Senador Benigno “Ninoy" Aquino Jr. Pagsapit ni Ninoy sa edad 22, nahalal itong pinakabatang alkalde sa Concepcion, Tarlac noong 1955.
Nang taon ding iyon ay nagpakasal sina Cory at Ninoy. Ang pagsasama nila ay sinuklian ng limang anak na sina Maria Elena, Aurora Corazon, Benigno Simeon III (Noynoy), Victoria Eliza (Viel), at ang bunso na si Kristina Bernadette (Kris).
Dahil sa maagang pag-aasawa, hindi natupad ang pangarap ni Cory na maging isang abogado. First year lang ang inabot ng dating pangulo sa kursong abogasya na kinuha niya sa Far Eastern University.
Gayunman, nakatapos si Gng Aquino ng Bachelor of Arts degree major in French Language and Mathematics sa Mount Saint Vincent College sa New York.
Matapos ang kanyang termino bilang pangulo noong 1992, nakahiligan ni Gng Aqunio ang magpinta. Ngunit ang kanyang mga obra ay hindi niya ipinagbibili at kadalasan ay inireregalo lamang sa mga kaibigan, para sa charity at mga bumibisitang lider ng ibang bansa.
Logged
Sleepless
Newbie
Posts: 3
Re: Philippines Trivia- Ang Trivia ang mga Pinoy
«
Reply #2 on:
July 29, 2009, 05:13:19 PM »
Unang pari na nanalo sa eleksyon
Mabilis na nakilala si Fr Eddie “Among Ed" Panlilio matapos tumakbo at manalong gobernador sa lalawigan ng Pampanga noong 2007 elections. Pero kilala nyo ba kung sino ang kauna-unahang pari na sumabak sa eleksyon at nanalo noong 1971?
Si Gov Panlilio ang ikalawang alagad ng Simbahang Katoliko na matagumpay na nakapasok sa pulitika nang pataubin niya sa bilangan ng boto noong 2007 elections si Mark Lapid na re-electionist governor ng Pampanga.
Pero si Fr Margarito Gonzaga ang kauna-unahang pari na nakapasok sa mundo ng pulitika nang manalo siyang alkalde sa bayan ng Alburquerque, Bohol noong 1971.
Naging kontrobersiyal at ugat ng usaping legal ang panunungkulan ni Gonzaga bilang alkalde at alagad ng Simbahan. Katunayan, umabot sa Korte Suprema ang petisyon upang idiskuwalipika si Gonzaga dahil sa probisyon ng 1917 Administrative Code na nagbabawal sa mga pari na mahalal o italaga bilang municipal chief executive.
Ngunit bago pa man makapagpalabas ng desisyon ang mga mahistrado ng SC kontra kay Gonzaga, nakapanungkulan na siya ng siyam na taon bilang alkalde hanggang 1980. Kasunod nito ay nanalo naman siyang provincial board member mula 1981 hanggang 1986.
Tumakbo rin si Gonzaga bilang bise gobernador sa lalawigan noong 1989 at 1992 elections ngunit natalo. Itinuturing si Gonzaga na isa sa mga pinakamatanda at pinakamatagal na nagsilbing pari sa Bohol.
Logged
Sleepless
Newbie
Posts: 3
Re: Philippines Trivia- Ang Trivia ang mga Pinoy
«
Reply #3 on:
July 29, 2009, 05:14:15 PM »
Unang 'Jukebox King'
Kilala nyo ba kung sino ang itinuturing unang “Jukebox King" ng Pilipinas na pumanaw sa murang edad dahil sa aksidente nang mabangga ang kotse na kanyang minamaneho?
Bago pa man bansagan sina Victor Wood at April Boy Regino bilang mga jukebox king, unang kinilala sa Pilipinas bilang jukebox king si Eddie Peregrina noong dekada 60's hanggang 70s.
Ang jukebox ang malaking makina na kailangan munang hulugan ng barya para makapili ng plaka (CD na ngayon) at mapatugtog ang paboritong kanta.
Ilan sa mga awitin ni Peregrina na mistulang naging “pambasang awit" sa mga jukebox, radyo, restaurant at maging sa mga “kabaret" (night club na ngayon) ay “Together Again," "Two Lovely Flowers," "Mardy", "I Do Love You," "Puppy Love," at "What Am I Living For?"
Bukod sa pag-awit, gumawa rin ng mga pelikula si Peregrina na pawang naging box-office sa takilya. Nakasama rin niya si Nora Aunor sa pagho-host ng isang programa sa telebisyon na may titulong “The Eddie-Nora Show" noong 1970.
Ngunit noong Abril 1977, malubhang nasaktan si Peregrina nang nabangga ang kotse na kanyang minamaneho sa Mandaluyong. Isinugod ang mang-aawit sa Polymedic Hospital pero pagkaraan ng mahigit isang buwan sa pagkakaratay ay binawian siya ng buhay sa edad lamang na 32. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Logged
Pages: [
1
]
Print
« previous
next »
Jump to:
Please select a destination:
-----------------------------
PLM - Peoples University
-----------------------------
=> Policies and Guidelines
=> History
=> Famous Alumni
=> Citation, Awards and News Articles
-----------------------------
The Online Community
-----------------------------
=> General Discussions
=> Events & Announcements
=> Requests and Suggestions
-----------------------------
Colleges & Organizations
-----------------------------
=> The Under-Graduate Colleges
=> Graduate Schools
=> Professional Schools
=> Organizations
-----------------------------
ISKO and ISKA
-----------------------------
=> Administrator and Moderators Lounge
=> Members Lounge
=> Pictures Thread
-----------------------------
Alumni Corner
-----------------------------
=> Jobs and Job Opportunities
=> Alumni Lounge
-----------------------------
Outside the Campus
-----------------------------
=> Classified Ads
=> Entertainment
=> Arts and Literature
=> Politics
=> Sports
=> Fashion
=> Technology Talk
=> Money Talks
-----------------------------
Other Universities
-----------------------------
=> Phil Universities
=> Universities Around the World
Powered by SMF 1.1.9
|
SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC
| Copyright © 2009 pamantasan.org
Hits :
73792
Page created in 0.081 seconds with 21 queries. (
Pretty URLs
adds 0.012s, 3q)
Loading...